Skip to content

Take It Down.
Nakakatakot ang pagkakaroon ng mga nude online,
pero may pag-asang maalis ang mga ito.

Ang serbisyong ito ay isang hakbang na maaari mong gawin upang makatulong mag-alis ng mga nude, bahagyang nude, o tahasang sekswal na larawan o video online na kinunan bago ka maging 18 taong gulang.

Magsimula

Ano ang Take It Down?

Ang Take It Down ay libreng serbisyong makakatulong sa iyong mag-alis ng o pigilan ang online na pagbabahagi ng mga kinuhang nude, bahagyang nude, o tahasang sekswal na larawan o video mo noong wala ka pang 18 taong gulang. Puwede kang manatiling walang pagkakakilanlan habang ginagamit ang serbisyong ito at hindi mo kakailanganing ipadala ang iyong mga larawan o video sa sinuman. Gagana ang Take It Down sa mga pampubliko o hindi naka-encrypt na online platform na sumang-ayong makilahok.

Nakakatakot kapag nangyari ito sa iyo, pero puwede itong mangyari kahit kanino. Nagawa mo na ang unang hakbang, at narito kami para tulungan ka sa mga susunod na hakbang. Ang Take It Down ay serbisyong ibinibigay ng National Center for Missing & Exploited Children.

Para kanino ang Take It Down?

Ang Take It Down ay para sa mga taong may mga larawan o video nila na nude, bahagyang nude, o nasa mga tahasang sekswal na sitwasyon na kinunan noong wala pa silang 18 taong gulang na pinaniniwalaan nilang naibahagi o ibabahagi online. Halimbawa, baka nakapagpadala o share ka ng larawan sa sinuman, pero ngayon, pinagbabantaan ka niya o na-post niya ito sa isang lugar. Kahit na hindi ka sigurado kung naibahagi ang larawan pero gusto mo ng kaunting tulong na subukang alisin ito sa mga lugar kung saan puwedeng lumabas ito online, para sa iyo ang serbisyong ito.

Kung may explicit na larawan mo noong edad 18 taong gulang pataas ka, puwede kang humingi ng tulong sa stopncii.org.

Paano Gumagana ang Take It Down?

Gumagana ang Take It Down sa pamamagitan ng pagtatalaga ng natatanging digital fingerprint na tinatawag na hash value sa mga hubo't hubad, hubad, o tahasang sekswal na larawan o video ng mga taong wala pang 18 taong gulang. Puwedeng gumamit ang mga online platform ng mga hash value para ma-detect ang mga larawan o video na ito sa kanilang mga serbisyo at alisin ang content na ito. Nangyayari ang lahat ng ito nang hindi kailanman umaalis sa iyong device o nakikita ng sinuman ang larawan o video. Ang hash value lang ang ibibigay sa NCMEC.

Ganito ito gumagana:

Piliin ang explicit na larawan o video na gusto mong i-hash mula sa iyong device at i-click ang “Magsimula.”

Para sa bawat larawan o video, magge-generate ang Take It Down ng “hash” o digital fingerprint na puwedeng gamitin para tumukoy ng eksaktong kopya ng larawan o video na iyon.

Nananatili sa iyong device at hindi ina-upload ang larawan o video mo. Idinadagdag ang hash sa secure na listahang pinapanatili ng NCMEC na ibinabahagi lang sa mga kalahok na online platform na sumang-ayong gamitin ang listahang ito para i-scan ang kanilang mga pampubliko o hindi naka-encrypt na site at app para sa mga hash ng explicit mong content.

Kung may ma-detect na larawan o video ang isang online platform sa pampubliko o hindi naka-encrypt na serbisyo nito na tumutugma sa hash value, puwede itong kumilos para limitahan ang pagkalat ng explicit na content!

Huwag ibahagi ang mga larawan/video sa anumang social media pagkatapos mong isumite ang mga iyon dito. Kapag naidagdag na sa listahan ang hash value para sa iyong larawan o video, puwede itong gamitin ng mga online platform para i-scan ang mga pampubliko o hindi naka-encrypt na serbisyo ng mga ito. Kung ipo-post mo ang content sa hinaharap, puwede itong i-flag at posible itong maglagay ng block sa social media account mo.

Maaring may limitadong kakayahan ang mga online platform na mag-alis ng content na na-post na sa nakaraan. Para sa karagdagang tulong o kung may alam kang partikular na lokasyon kung saan naka-post ang iyong larawan o video, puwede ka ring gumawa ng ulat sa CyberTipline ng NCMEC kung saan puwede kaming mag-alok ng mga karagdagang serbisyo at suporta.

Ang pinakamahalaga ay tandaang hindi ka nag-iisa! Para sa higit pang impormasyon tungkol sa serbisyong ito at iba pang mapagkukunan, tingnan ang page ng Mga Resources at Suporta.

Tingnan ang Mga Resources

heading decoration

Mga Resources at Suporta

View Support Resource

Kung gusto mo ng karagdagang tulong sa pag-aalis ng content online, kasama ang impormasyon tungkol sa direktang pag-uulat sa iba't ibang online platform.

View Support Resource

Kung gusto mong mag-ulat ng sinumang nagbabanta sa iyo tungkol sa mga larawang ito o iba pang anyo ng pananamantala online.

View Support Resource

Kung nasa Estados Unidos ka at gusto mo ng higit pang impormasyon tungkol sa emotional support, mag-click sa ibaba para matuto tungkol sa mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip ng NCMEC.